Pinagtibay kahapon ng Gabinete ng Hapon ang bagong "Three Principles on Arms Exports" para malakihang paluwagin ang kondisyon ng pagluluwas ng Hapon ng sandata, kasangkapan at teknolohiyang militar. Tinukoy ng tagapag-analisa na ang nasabing prinsipyo ay puwedeng ituring na unang hakbang ng pamahalaan ni Shinzo Abe sa kanilang landas ng pagbabago ng mga patakarang panseguridad, sa hinaharap, baka pabibilisin ni Shinzo Abe ang aksyon sa pagaalis ng limitasyon sa collective self defence at pagsususog ng konstitusyong pangkapayapaan.
Kaugnay ng nasabing mga kagawian ng pamahalaan ni Shinzo Abe, malawakang ipinalalagay ng Japanese media na ito ay pagbibigay-daan sa Hapon na gamitin ang sandata at teknolohiya sa sagupaang pandaigdig at posibleng magdudulot ng malaking pagbabago sa patakarang pangkapayapaang iginigiit ng Hapon pagkaraan ng WWII. Umaasa ang nakararaming mamamayang Hapones na magiging maingat ang pamahalaan sa isyung ito.