Sinabi kahapon ni Jen Psaki, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos (E.U.), na inenkorahe ng kanyang bansa ang mga lider ng Hapon na lutasin ang isyung pangkasaysayan sa paraang makakabuti sa relasyon nito sa mga kapitbansa.
Sinabi ni Psaki na noong 1993, kinilala ni Kouno Yohei, Chief Cabinet Secretary ng Hapon, ang isyu ng Comfort Women, hiningi ang paumanhin, at ipinahayag ang pagsisisi. Ito aniya ay mahalagang bagay para sa pagpapabuti ng Hapon ng relasyon nito sa mga kapitbansa.
Winewelkam ni Psaki ang sinabi ni Yoshihide Suga, kasalukuyang Chief Cabinet Secretary ng Hapon. Ani Yoshihide Suga, hindi binago ng pamahalaang Hapones ang Kono Statement. Sinabi ni Psaki na ineenkorahe ng Amerika ang mga lider ng Hapon na lutasin ang mga problema sa paraang makakabuti sa pagtatatag ng Hapon ng mas mainam na relasyon sa mga kapitbansa.
Salin: Andrea