|
||||||||
|
||
Sa Kuala Lumpur, Malaysia--ipinaalam kahapon ng panig Malay sa mga kamag-anak ng pasaherong Tsino na sakay ng nawawalang Malaysia Airlines Flight MH370 ang hinggil sa pinakahuling imbestigasyon sa pagkawala ng eroplano. Sinagot din ng mga dalubhasa at teknisyan ang mga tanong ng mga kalahok na kamag-anak.
Si Datuk Azharuddin Abdul Rahman, Director-General of Malaysia's Department of Civil Aviation
Ni-relay din ang briefing sa mga pamilya ng mga pasaherong Tsino na kasalukuyang nanunuluyan sa Beijing, Tsina.
Kamag-anakan ng Pasaherong Tsino sa Flight MH370
Ipinahayag kahapon ng magkasanib na working group ng Pamahalaang Tsino na pag-iibayuhin pa nila ang pagsisikap sa paghahanap sa nawawalang eroplano.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng umaga noong ika-8 ng buwang ito (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan di-umano ito ng kontak sa air traffic control.
Isandaa't limampu't apat (154) sa 239 na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |