Pumapasok na sa ika-26 na araw ang pagkawala ng Malaysia Airlines Flight MH370, patuloy pa rin ang magkakasamang paghahanap sa eroplano.
Kinumpirma kahapon ng panig pulisya ng Malaysia na walang kinalaman sa pagkawala ng eroplano ang lahat ng mga pasahero, pero, iniimbestigahan pa rin nila ang mga tauhan na kinabibilangan ng kapitan at at kanyang kanang-kamay. Ayon sa panig Malay, ang di-normal na paglipad at pamaraan ng pagkawala ng eroplano ay nagpakitang sinadya ang pangyayaring ito.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng umaga noong ika-8 ng buwang ito (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan di-umano ito ng kontak sa air traffic control.
Isandaa't limampu't apat (154) sa 239 na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade