Bilang bahagi ng "Komodo" multilateral humanitarian rescue exercise, dumating kahapon sa Jemaja Andriabu, Indonesia ang "Chang Bai Shan," barkong panagupa ng hukbong pandagat ng Tsina para magbigay ng serbisyong medikal sa mga mamamayan sa lokalidad. Nagbigay rin sila ng mga schoolbag at laruan sa mga estudyente at bata doon.
Ang naturang ensayo ay naglalayong palakasin ang kakayahan at pagtutulungan sa pagitan ng mga hukbong pandagat ng mga bansang ASEAN at kanilang mga partner para sa magkakasamang pagbibigay ng makataong tulong kung may magaganap na grabeng kapahamakan at biglaang pangyayari sa karagatan.