Isang magkasanib na ensayong militar na may code name na "Komodo" ang idaraos sa Indonesia. Sasapi sa ensayong ito ang hukbong pandagat mula sa 17 bansa sa daigdig, na kinabibilangan ng Tsina, Amerika, Rusya, Hapon at India.
Ang "Changbaishan," landing warship ng Tsina ay lalahok sa ensayong ito. Ito ay may lulang 2 helicopter, grupong medikal, at grupo ng mga inhinyero.
Ayon sa ulat, ang naturang pagsasanay ay naglalayong palakasin ang kakayahan at pagtutulungan ng mga kalahok sa pagsasagawa ng mabisang search at medical rescue, sa harap ng ibat-ibang biglaang kapahamakan at insidente sa karagatan.