Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pinunong militar ng Tsina at Indonesia, nag-usap

(GMT+08:00) 2014-03-21 12:07:56       CRI

Purnomo Yusgiantoro, Ministrong Pandepensa ng Indonesia

Sa kanyang pakikipag-usap kahapon kay Sun Jianguo, Deputy Chief of General Staff ng People's Liberation Army(PLA), na dumalo sa International Defence Dialogue sa Jakarta, sinabi ni Purnomo Yusgiantoro, Ministrong Pandepensa ng Indonesia na positibo siya sa pakikipagtulungan ng kanyang bansa sa Tsina sa larangang pandepensa. Aniya, bibigyan ng Indonesia ng tulong ang paghahanap at pagliligtas ng Tsina sa nawawalang eroplanong pampasahero ng Malaysia Airlines, sa karagatang malapit sa Indonesia.

Ipinahayag naman ni Sun na positibo siya sa mahalagang papel ng naturang pagtitipon sa pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyong panrehiyon sa larangang pandepensa. Aniya, pahihigpitin pa ng Tsina ang pakikipagtulungang militar sa mga bansang ASEAN, na kinabibilangan ng Indonesia para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Nakipag-usap din si Sun sa mga pinunong militar mula sa Australia at Timog Korea.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>