Sa Washington — Idinaos kahapon ng Estados Unidos, Hapon, at Timog Korea ang diyalogo hinggil sa isyu ng Hilagang Korea. Magkakasama nilang hinihimok ang Hilagang Korea na iwasan ang pagsasagawa ng ibayo pang aksyong magpapalala sa situwasyon ng peninsula.
Bilang tugon sa taunang malawakang pagsasanay militar ng Estados Unidos at Timog Korea, magkakasunod na inilunsad kamakailan ng Hilagang Korea ang ilang short at long-range ballistic missiles. Inulit nang araw ring iyon ng naturang tatlong bansa na ang paglulunsad ng Hilagang Korea ng missiles ay lumalabag sa resolusyon bilang 1718, 1874, 2087, at 2094 ng UN Security Council.
Bukod dito, nagpahayag kamakailan ang Ministring Panlabas ng Tsina ng pagkabahala sa kasalukuyang situwasyon sa Korean Peninsula. Ipinahayag nito ang pagtutol sa anumang aksyong nakakapinsala sa kapayapaan at katatagan ng peninsulang ito.
Salin: Li Feng