Ipinahayag kahapon ni Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na hindi susuko ang kanyang bansa sa anumang isyung may kinalaman sa soberanya at teritoryo. Aniya pa, hindi yuyukod ang Tsina sa ibang mga bansa hinggil sa sariling soberanya at teritoryo.
Winika ito ni Chang sa news briefing pagkatapos ng kanyang pakikipag-usap kay Chuck Hagel, Kalihim ng Tanggulan ng Amerika. Inulit din ni Chang ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Diaoyu Island at South China Sea. Umaasa aniya siyang maayos na lulutasin ang naturang mga isyu sa pamamagitan ng direktang talastasan, kasama ang mga may kinalamang bansa.