|
||||||||
|
||
Nagtagpo kahapon sina Fan Changlong, Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission (CMC) ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Chuck Hagel, Kalihim ng Tanggulan ng Amerika.
Sa kanilang pagtatagpo, ipinahayag ni Fan ang pagkabahala sa paninindigan at mga aksyon ng Amerika sa mga isyu na gaya ng Diaoyu Island, South China Sea at Taiwan. Sinabi ni Fan na ang mga ito ay lumalabag sa obdiyektibo at walang pinapanigang paninindigan ng Amerika.
Ipinahayag ni Hagel na ang kanyang pagdalaw sa Tsina ay naglalayong pahigpitin ang relasyon ng hukbo ng Amerika at Tsina, at maayos na hawakan ang mga hidwaan ng dalawang panig.
Sa isyu ng Taiwan, ipinahayag ni Hagel na palagiang iginigiit ng pamahalaang Amerikano ang patakarang isang Tsina at hindi nagbabago ang paninindigang ito.
Kaugnay naman ng isyu ng Diaoyu Island at South China Sea, inulit ni Hagel ang walang pinapanigan ng Amerika sa mga hidwaang may kinalaman sa soberanya at teritoryo. Dagdag pa niya, hindi niya kinakatigan ang Hapon at Pilipinas sa hidwaang panghanggahan nila sa Tsina, pero umaasa aniya siyang magkasamang pangangalagaan ng iba't ibang may kinalamang panig ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito sa pamamagitan ng paraang kooperatibo.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |