Nag-usap kahapon sa Beijing sina Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, at kanyang counterpart na si Chuck Hagel mula sa Amerika, hinggil sa pagpapasulong ng relasyon at kooperasyon ng mga hukbo ng dalawang bansa.
Sa kanilang pag-usap, narating nila ang nagkakaisang posisyon sa mga larangang gaya ng pagpapanatili ng malusog na pag-unlad ng mga hukbo ng dalawang bansa, pagpapasulong ng pagtatatag ng mekanismo ng pagpapalitan ng impormasyon hinggil sa mga malaking aksyong militar at seguridad na militar, pagpapasulong ng kooperasyon ng mga tropang panlupa, magkakasamang pagbibigay-dagok sa terorismo, at pagpapahigpit ng kooperasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.
Sinang-ayunan din ng dalawang panig ang pagdaraos ng diyalogo ng mga Ministro ng Tanggulan ng dalawang bansa hinggil sa seguridad ng Aysa-Pasipiko sa taong 2014. Bukod dito, idaraos din ng mga hukbo ng Tsina at Amerika ang magkasanib na pagsasanay hinggil sa tulong medikal sa lupa pagkatapos ng 2014 Rim of the Pacific Exercise.
Samantala, nananatili pa rin ang mga pagkakaiba ng dalawang panig sa mga isyung may kinalaman sa Taiwan, Diaoyu Island at South China Sea.