Idinaos kagabi sa Tokyo ng libu-libong mamamayang Hapones ang malawakang rali-protesta bilang pagpapahayag ng pagtutol sa tangka ng pamahalaan ni Shinzo Abe na baguhin ang Konstitusyon at isagawa ang collective self-defense rights.
Sa nakasulat na panawagan, ipinahayag ng mga raliista na ang pagpapahintulot sa pagsasagawa ng collective self-defense rights ng pamahalaang Hapones, sa pamamagitan ng pagsusog sa Konstitusyon ay ganap na pagsira sa diwa ng kapayapaan at pagtutol sa digmaan sa ika-9 na istipulasyon ng Konstitusyon.
Salin: Andrea