Sa kanyang talumpati ngayong araw sa seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng 2014 Bo'ao Forum for Asia (BFA), tinukoy ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na dapat igiit ng mga bansang Asyano ang malakihang direksyon ng komong pag-unlad para maitatag ang komunidad ng kapakanan ng Asya; dapat itatag ang malakihang kayarian ng komong pag-unlad para maitatag ang komunidad ng kapalaran ng Asya; at dapat ding pangalagaan ang malakihang kapaligiran ng kapayapaan at kaunlaran para maitatag ang komunidad ng responsibilidad ng Asya.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, ipinahayag ng premyer Tsino na kinakatigan ng Tsina ang mga positibong aksyong nagpapalakas ng kooperasyong pandagat; ngunit bibigyan aniya ng Tsina ng matigas na reaksyon ang mga probokasyong nakakasira sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea. Aniya, ang pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa naturang karagatan ay angkop sa komong kapakanan ng Tsina at mga kapitbansa nito. Nakahanda aniya ang panig Tsino na, sa ilalim ng balangkas ng "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC)," aktibong pasulungin ang proseso ng pagsasanggunian hinggil sa "Code of Conduct on the South China Sea (COC)", para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan, katatagan, at kalayaan ng paglalayag sa South China Sea.
Salin: Li Feng