Ipinatalastas kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na dadalo si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Boao Forum for Asia Annual Conference 2014 at bibigkas din siya ng talumpati sa pulong. Idaraos ang naturang porum mula ika-8 hanggang ika-10 ng buwang ito.
Sinabi ni Hong na dadalo rin sa porum ang mga lider na kinabibilangan ng Punong Ministro ng Australia, Kazakhstan, Timog Korea, Laos, Namibia, Pakistan, East Timor, at Pangalawang Punong Ministro ng Rusya at Vietnam.