|
||||||||
|
||
Sina Aung San Suu Kyi at Angela Merkel
Dumating kahapon ng Berlin si Aung San Suu Kyi, lider na oposisyon ng Myanmar, para pasimulan ang kanyang tatlong-araw na biyahe sa Alemanya.
Sa kanyang unang pagdalaw sa nasabing bansang Europeo, kinatagpo ni Aung San Suu Kyi sina Chancellor Angela Merkel at Ministrong Panlabas Frank-Walter Steinmeier ng Alemanya. Pinanyayahan din siya sa luncheon na handog ni Pangulong Joachim Gauck ng Alemanya.
Sa isang preskon, ipinahayag ni Merkel ang kanyang paghanga sa pagsisikap ni Aung San Suu Kyi para mapangalagaan ang kalayaan, karapatang pantao at pagsasademokrasya ng Myanmar. Ipinahayag naman ni Aung San Suu Kyi na ang Berlin ay hindi lamang sagisag ng kalayaan, simbolo rin ito ng mapayapang integrasyon ng nagkakaibang ideolohiya.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |