Ipinatalastas kahapon ng Ministring Panlabas ng Timog Korea na idaraos ang pakikipag-usap sa Hapon hinggil sa isyu ng comfort women, noong World War II, sa ika-16 ng buwang ito, sa Seoul, Korea.
Ito ang pangalawang round ng pag-uusap sa antas ng direktor, sapul ng magbigay-galang si Punong Ministrong Shinzo Abe ng Hapon sa Yasukuni Shrine, noong katapusan ng 2013.
Ipinalalagay ng opinyong pampubliko ng Timog Korea na ito ay resulta ng medyasyon ng Amerika, at pagiging preparasyon para gagawing pagdalaw ni Pangulong Barack Obama ng Amerika sa naturang dalawang bansa, sa katapusan ng buwang ito.
Pero, hindi optimistiko ang Timog Korea sa resulta ng talastasan.