Sa isang spending bill na pinasa kahapon ng Mababang Kapulungan ng Amerika, idinugtong nito ang dokumento na humihimok sa pamahalaang Amerikano na pasulungin ang pagsasabalikat ng Hapon ng kanyang responsibilidad sa isyu ng Comfort Women.
Sa naturang dokumento na walang binding force, hiniling ng Mababang Kapulungan sa Hapon na dapat kilalanin, sa maliwanag at tumpak na paraan, ang puwersahang paggamit ng hukbong Hapones ng mga kababaihang Asyano bilang sex slaves noong World War II. Bukod dito, dapat humingi ang Hapon ng paumanhin sa isyung ito at isabalikat ang kanyang responsibilidad na historical.
Salin: Ernest