Kahapon, sa kanyang talumpati sa ika-25 pulong ng Konseho ng Karapatang Pantao ng UN sa Geneva, sinabi ni Wu Haitao, Puno ng delegasyon ng Tsina sa UN na dapat seryosohang pakitunguhan at maayos na hawakan ng Hapon ang isyu ng "comfort women" para matamo nito ang tiwala ng komunidad ng daigdig.
Sinabi ni Wu na sa bisperas ng ika-70 anibersaryo ng pagtagumpay ng WWII, hindi namin malilimutan ang kapahamakang dulot ng digmaan at aksyong kriminal ng militarismong Hapones na laban sa sangkatauhan.
Ipinahayag niyang sa harap ng malinaw na katotohanang pangkasaysayan, lantarang pinabubulaanan pa rin ng makakanang puwersa ng Hapon ang kanilang aksyong kriminal ng militarismo. Hindi lamang nito tinututulan ang katarungang pandaigdig, kundi niyuyurakan pa ang karapatang pantao, dagdag pa niya
Hinimok din niya ang Hapon na pagsisihan ang kaniyang kasaysayan ng pananalakay, bigyang-galang ang damdamin ng mga biktimang bansa at maayos na hawakan ang isyu ng "comfort women" para matamo ang tiwala ng komunidad ng daigdig.
Pinuna rin sa pulong ng mga kinatawan mula sa DPRA at ROK ang maling paninindigan ng Hapon sa isyu ng "comfort women."