Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Underwater vehicle para sa paghahanap ng MH370, ipinasiyang gamitin; magkasanib na paghahanap sa pamamagitan ng bapor at eroplano, isinagawa ng Tsina

(GMT+08:00) 2014-04-15 09:29:37       CRI

Sa Perth, Australia--ipinahayag kahapon ng Australia, bansang tagapagkoordina sa magkakasamang paghahanap sa nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines sa Indian Ocean, na dahil walang namonitor na signal na pinaghihinalaang galing sa black box ng nawawalang eroplano mula nagdaang Martes, ipinasiya nilang gamitin ang Bluefin-21 autonomous underwater vehicle para sa paghahanap sa ilalim ng Indian Ocean.

Kasabay nito, sa kauna-unahang pagkakataon sa mahigit tatlumpung (30) araw na paghahanap, nag-deploy ang Tsina ng mga eroplanong-panagupa para makipagkoordina sa mga bapor-pandigma sa misyon ng paghahanap.

Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas-dose kuwarenta'y uno (12:41) ng hatinggabi noong ika-8 ng nagdaang Marso (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga nang araw ring iyon.

Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control.

Isang daa't limampu't apat (154) sa dalawang daa't tatlumpu't siyam (239) na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>