Ipinahayag kahapon ng United Nations ang pagkabahala nito sa Syria. Hindi kasi naidispatsa kamakalawa ng bansa ang mga sandatang kemikal nito, maliban sa mga "di-mapapasok na lugar", ayon sa nakatakdang iskedyul.
Ayon sa Joint Mission of the Organization for the Prohibition of Chemical Weapons and the United Nations (OPCW-UN), hanggang kahapon, 65.1% ng lahat ng mga sandatang kemikal ang nailabas ng Syria para wasakin. Ayon sa iskedyul, kailangang dispatsahin ng Syria ang lahat ng mga sandatang kemikal nito bago mag-ika-27 ng buwang ito. Bago sumapit ang ika-30 ng darating na Hunyo, inaasahang mawawasak ang mga sandata.
Ayon sa pahayag kahapon ng UN High Commissioner for Refugees (UNHCR), lumampas na sa isang milyon ang bilang ng Syrian refugees sa Lebanon.
Salin: Jade