Ipinatalastas kamakalawa ng Pilipinas ang pagsusog sa development blueprint ng bansa. Ito ay naglalayong makuha ng mga mahirap na mamamayan ang benepisyo mula sa masiglang paglaki ng kabuhayan.
Ayon pa sa ulat, isa sa mga bagong target ng naturang blueprint ay bawasan ng 18% hanggang 20% ang persentahe ng mga mahirap hanggang sa taong 2016. Ang persentaheng ito ay mula sa 25.2% noong 2012.
Ayon sa bagong plano, pananatilihin bawat taon, ang 7% hanggang 8.5% na paglaki ng kabuhayan ng Pilipinas, hanggang taong 2016.
Salin: Li Feng