Ipinahayag kahapon ng Pamahlaang Pilipino na ipagpapatuloy ang prosesong pangkapayapan nila ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kabila ng naganap na enkuwentro nitong nagdaang Biyernes.
Naganap ang enkuwentro dalawang linggong pagkaraan ng paglagda ng Pamahalan at MILF sa kasunduang pangkapayapaan. Apat na miyembro ng MILF ang namatay dahil dito.
Ipinahayag ni Teresita Deles, Punong Tagapayo sa Talastasang Pangkapayapaan ni Pangulong Benigno Aquino III na ang mga miyembro ng MILF ay tumulong sa ekstremistang Islamiko para labanan ang hukbo ng Pamahalaan nang walang pagsang-ayon ng pinuno ng MILF.
Ayon sa kasunduang pangkapayapaan na nilagdaan ng Pamahalaang Pilipino at MILF noong ika-27 ng Marso, itatatag ang Rehiyong Autonomong Muslim sa katimugan ng bansa sa unang dako ng susunod na taon. Bukod dito, inaasahang madidisarma at magnonomina ng kandidato para sa parliamentong panrehiyon sa Mayo, 2016.
Salin: Jade