Tinanggap kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang isang draft ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na iniharap ng Bangsamoro Transition Commitee na pinamumunuan ng mga kinatawan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ang burador na batas ay magbibigay-daan sa pagtatatag ng rehiyong awtonomo sa dakong timog ng bansa, ito ay isang bahagi ng prosesong pangkapayapaan ng MILF at pamahalaan.
Sinabi ni Aquino na ihaharap niya ang draft sa kongreso at sana mapagtibay aniya ito hanggang sa katapusan ng taong ito. Umaasa ang Pamahalaan na matatapos ang pagtatatag ng rehiyong awtonomo sa loob ng termino ng pangulong Aquino sa 2016.
salin:wle