Sa pulong ng National Energy Commission ng Tsina (NEC) na pinanguluhan kamakailan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, tinalakay ng mga kalahok ang mga katugong estratehiya at proyekto hinggil sa pag-unlad ng enerhiya.
Sinabi ni Premyer Li na ang suplay at seguridad ng enerhiya ay may masusing kaugnayan sa pagsasakatuparan ng modernong konstruksyon ng bansa. Dapat aniyang pasulungin ang reporma ng paggawa at paggamit ng enerhiya, pabutihin ang kapaligirang ekolohikal, pahigpitin ang seguridad at sustenableng pag-unlad ng enerhiya, at isakatuparan ang matatag na kaunlarang pangkabuhayan. Ito ay nababatay sa atityud ng siyentipikong pag-unlad, dagdag pa niya.
Binigyang-diin ni Li na bilang isang umuunlad na bansa, mananatiling malaki ang pangangailangan ng Tsina sa enerhiya sa hinaharap. Kaya, dapat aniyang pahigpitin ng Tsina ang kooperasyong pandaigdig sa larangang ito. Ipinahayag niyang palalawakin ng Tsina ang paggagalugad ng langis at gas sa lupa at karagatan; pasusulungin ang mga proyekto ng malinis na enerhiya, gaya ng koryenteng nuklear sa mga purok sa baybaying dagat sa silangan ng bansa, enerhiya ng hangin at araw; at pabubutihin at kakansalehin ang mga kasalukuyang power supply set na hindi angkop sa istandard ng pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng pagbuga ng polusyon.