Dumalaw at nag-alay kahapon si Punong Minisitro Shinzo Abe ng Hapon sa Yasukuni Shrine kung saan nakadambana ang 14 na Class-A Criminals noong World War II. Ipinahayag ng panig Tsino ang kondemnasyon sa nasabing aksyon ni Abe.
Ipinagdiinan ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na may kaugnayan sa militarismo ng Hapon ang Yasukuni Shrine. Masasabing negatibong ari-arian ang Shrine para sa Hapon. Ang isyung ito ay nagsisilbing elementong nakakapinsala sa relasyon ng Hapon at mga kapitbansa nitong Asyano.
Muling hinimok ng tagapagsalitang Tsino ang mga opisyal Hapones na pagsisihan ang kasaysayan ng pananalakay ng militaristang Hapones sa mga bansang Asyano.
Noong ika-12 ng Abril, si Yoshitaka Shindo, Ministro ng Suliraning Panloob at Komunikasyon ng Hapon ay bumisita rin sa kontrobersyal na Shrine.
Salin: Jade