Hinimok kahapon ni Ben Rhodes, Pangalawang Tagapayo ni Pangulong Barack Obama sa Pambansang Seguridad,, ang Hapon na igalang ang kasaysayan.
Winika ito ni Rhodes sa isang preskon kaugnay ng pagbisita ni Punong Ministro Shinzo Abe noong nagdaang Disyembre sa Yasukuni Shrine kung saan nakadambana ang 14 na Class-A Criminal noong World War II (WWII).
Idinagdag ni Rhodes na hiniling na ng Amerika sa Hapon, Timog Korea at Tsina na magpakita ng sensitibidad kaugnay ng mga isyung may mahalagang katuturang pangkasaysayan.
Salin: Jade