Mahigit 140 na Mambabatas Hapones ay nagbigay-galang ngayong umaga sa Yasukuni Shrine kung saan nakadambana ang 14 na Class-A Criminals noong World War II. Dumalaw at nag-alay rin kahapon sa Shrine si Punong Minisitro Shinzo Abe.
Ipinagdiinan kahapon ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na may kaugnayan sa militarismo ng Hapon ang Yasukuni Shrine. Masasabing negatibong ari-arian ang Shrine para sa Hapon. Ang isyung ito ay nagsisilbing elementong nakakapinsala sa relasyon ng Hapon at mga kapitbansa nitong Asyano.
Muling hinimok ng tagapagsalitang Tsino ang mga opisyal Hapones na pagsisihan ang kasaysayan ng pananalakay ng militaristang Hapones sa mga bansang Asyano.
Mula ika-21 hanggang ika-23 ng Abril ay panahon ng regular na pag-aalay ng sakripisyo sa Yasukuni sa tagsibol.
Salin: Jade