Ipinahayag kagabi ni Liu Jianchao, Asistente ng Ministrong Panlabas ng Tsina, na dahil sa dahilan na alam ng lahat, kinakaharap sa kasalukuyan ng kooperasyon ng Tsina, Hapon at Timog Korea ang kritikal na situwasyon. Aniya, pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang kanilang kooperasyon at nakahandang magsikap, para mapahigpit ang paguunawaan at mapaliit ang pagkakaiba sa pagitan ng tatlong bansa, upang mapasulong ang kapayapaan, katatagan, at komong pag-unlad ng Tsina, Hapon at Timog Korea, at sub-region ng Hilaga silangang Asyano.
Ipinalalagay ni Liu na dapat batay sa diwang paggamit sa kasaysayan bilang salamin sa pagtanaw sa hinaharap, at isaalang-alang ang pangkalahatang kalagayan, para angkop na hawakan ang mga sensitibong isyu at mapahigpit ang pagtitiwalaang pulitikal sa isa't isa. Aniya, dapat tapusin ang talastasan hinggil sa malayang sonang pangkalakalan ng Tsina, Hapon at T. Korea sa lalong madaling panahon, at palalimin ang kanilang kooperasyon sa enerhiya, pangangalaga sa kapaligiran, kultura, at iba pang larangan.
Salin: Andrea