Sinang-ayunan ng Tsina at ASEAN na palalalimin at palalawakin ang aktuwal na kooperasyong pandagat sa hinaharap.
Sa news briefing ng katatapos na ika-20 pagsasanggunian ng Tsina at ASEAN sa mataas na antas at ika-7 pulong ng dalawang panig hinggil sa pagsasakatuparan ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), sinabi ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na pahihigpitin ng dalawang panig ang kooperasyon sa mga isyung pandagat na gaya ng magkasanib na gawaing rescue, pagbibigay-dagok sa mga transnasyonal na krimen, siyensiya, teknolohiya at pangangalaga sa kapaligiran.
Ipinahayag naman ni Sihasak Phuangketkeow, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Thailand, na sinang-ayunan ng ASEAN at Tsina na pasusulungin ang kooperasyon nila sa mga isyung pandagat batay sa mga narating na plano at ibayo pang palalawakin ang saklaw ng kanilang kooperasyon sa hinaharap.
Salin: Ernest