Sa Hue, Vietnam—ipinahayag kamakailan ng mga ministrong pangkultura ng Tsina at mga bansang ASEAN ang kahandaan na ibayo pang pasulungin ang kanilang mga pragmatikong pagtutulungang kultural at matagumpay na ganapin ang mga aktibidad ng 2014 China-ASEAN Culture Exchange Year.
Ang kapasiyahang ito ay ginawa ng Tsina at mga bansang ASEAN sa katatapos na Ikalawang Pulong ng mga Ministrong Pangkultura ng Tsina at ASEAN. Tinalakay rin ng mga kalahok ang hinggil sa magkakasamang pagtatatag ng Maritime Silk Road. Pinagtibay rin sa pulong ang Plano ng Aksyon para sa Pagtutulungang Pangkultura ng Tsina at ASEAN mula 2014 hanggang 2018.
Lumahok sa nasabing pulong ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Cai Wu, Ministro ng Kultura ng Tsina. Kalahok din ang delegasyong Tsino sa Ika-anim na Pulong ng mga Ministro ng Kultura ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea.
Salin: Jade