Nang kapanayamin ng CNN kahapon, ipinahayag ni Najib Razak, Punong Ministro ng Malaysia na isinumite na ng Malaysia ang isang report hinggil sa nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines sa International Civil Aviation Organization, at isasapubliko ito sa susunod na linggo.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na makikisangkot ang Tsina sa pag-iimbestiga sa nasabing insidente alinsunod sa mga may-kinalamang regulasyong pandaigdig.
Samanatala, ipagpapatuloy aniya ng Tsina ang pakikipagtulungan sa Malaysia at Australia para sa search operation ng MH370.