|
||||||||
|
||
PERTH, Australia—ipinahayag ngayong umaga ng Joint Agency Coordination Center (JACC) na patuloy pa rin ang paghahanap ng Bluefin-21 malapit sa focused underwater area, pero wala pa itong natuklasang bagay na may kaugnayan sa nawawalang Flight MH 370 ng Malaysia Airlines.
Napag-alamang ang nakatakdang galugarin ng submarine drone Bluefin-21 ang dakong hilaga na nakapaligid sa focused area, sa ika-16 na misyon nito ngayong umaga.
Ipinasiya ng JACC na gamitin ang Bluefin-21 bilang underwater vehicle para sa paghahanap noong ika-14 ng buwang ito, makaraan ang anim na araw na bigong paghananap sa pinaghihinalaang signal na galing sa nawawalang eroplano.
Hanggang sa kasalukuyan, natapos nang galugarin ng Bluefin-21 ang focused area.
Kasabay nito, patuloy na nakikipagtulungan sa Australia, bansang tagapagkoordina sa misyon ng magkakasamang paghahanap ang ibang mga bansa na kinabibilangan ng Tsina.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas-dose kuwarenta'y uno (12:41) ng hatinggabi noong ika-8 ng nagdaang Marso (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga nang araw ring iyon.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control.
Isang daa't limampu't apat (154) sa dalawang daa't tatlumpu't siyam (239) na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |