|
||||||||
|
||
Sa Perth, Australia—ayon sa pinakahuling ulat kahapon ng Joint Agency Coordination Center (JACC), halos 2/3 ng focused underwater area ang nagalugad na ng Bluefin-21 sa Indian Ocean, pero, wala itong natuklasang bagay na may kaugnayan sa nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Kasabay nito, lumala ang lagay ng panahon sa dagat kung saan ginagawa ang misyon ng paghahanap. Naramdaman ang palakas na hangin at nakita rin ang malakas na ulan at alon.
Ipinasiya ng JACC na gamitin ang Bluefin-21 bilang underwater vehicle para sa paghahanap noong ika-14 ng buwang ito makaraan ang anim na araw na bigong paghananap sa pinaghihinalaang signal na galing sa nawawalang eroplano.
Kasabay nito, patuloy na nakikipagtulungan sa Australia, bansang tagapagkoordina sa misyon ng magkakasamang paghahanap ang ibang mga bansa na kinabibilangan ng Tsina.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas-dose kuwarenta'y uno (12:41) ng hatinggabi noong ika-8 ng nagdaang Marso (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga nang araw ring iyon.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control.
Isang daa't limampu't apat (154) sa dalawang daa't tatlumpu't siyam (239) na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |