Kaugnay ng kasalukuyang ginagawang taunang ensayong militar na Balikatan ng Pilipinas at Amerika, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asa ng kanyang bansa na makakatulong ito sa katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko at sa pagtitiwalaan ng mga miyembro ng rehiyon.
Ipinagdiinan ng tagapagsalitang Tsino na angkop sa interes ng lahat ng mga may kinalamang panig ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Kinakailangan din aniya ang pagsisikap ng lahat para maisakatuparan ang nasabing layunin. Umaasa aniya ang Tsina na ang kasalukuyang ensayo ay aandar patungo sa direksyong ito.
Sinimulan kahapon ng Pilipinas at Amerika ang kanilang ika-30 taunang magkasamang pagsasanay-militar. 3,000 sundalong Pilipino at 2,500 kawal na Amerikano ang kalahok dito.
Salin: Jade