Ayon sa ulat na ipinalabas kahapon ng Lupon ng Kalakalan ng Tsina at Amerika, nitong 10 taong nakalipas, lumaki nang 255% ang pagluluwas ng Amerika sa Tsina, at ang paglaking ito ang pinakamabilis sa lahat ng trade partner ng Amerika.
Ayon sa ulat, ang Tsina ang ika-3 pinakamalaking pamilihan ng pagluluwas ng Amerika. Salamat sa malaking populasyon, lumalawak na middle class group, at maraming proyekto ng konstruksyon ng imprastruktura ang Tsina, Nagpapanatili rin ng bansa ang pangunahing pamilihan ng pagluluwas ng paninda at serbisyo ng Amerika.
salin:wle