Jakarta, Indonesia--Idinaos dito kahapon ng Tsina at Indonesia ang kanilang Ika-2 Pulong ng Komite ng Kooperasyong Pandagat (Maritime Cooperation Committee o MCC). Nakahanda ang dalawang bansa na ibayo pang pasulungin ang kanilang pragmatikong pagtutulungang pandagat.
Nilagom nila ang mga natamong bunga sa pagpapatupad sa mga proyektong pangkooperasyon sapul nang matapos ang Unang Pulong ng MCC noong katapusan ng 2012. Pinagtibay rin nila ang mga bagong proyektong pangkooperayon.
Lumahok dito ang mga kinatawan ng Tsina at Indonesia galing sa mga ministri ng ugnayang panlabas, transportasyon, karagatan, pangingisda, pinansya at iba pa. Magkasamang nangulo sa pulong si Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina at ang kanyang counterpart na Indones na si Wardana.
Salin: Jade