Sa kanilang pag-usap sa telepono kaninang tanghali, hiniling ni Guo Shengkun, Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina, ang kanyang counterpart na Biyetnames na si Tran Dai Quang, na gumamit ng mabisang hakbangin para maigarantiya ang kaligtasan at ari-arian ng mga organisasyon, bahay-kalakal at mamamayan ng Tsina sa Biyetnam.
Naganap kamakailan sa Biyetnam ang mga marahas na insidente na nakatuon sa mga dayuhang bahay-kalakal at mamumuhunan na nagresulta sa malubhang kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian ng panig Tsino. Sinabi ni Guo na ikinalulungkot ng kanyang bansa ang mabagal na reaksyon ng Biyetnam sa naturang marahas na insidente kaya't hindi napigilan ang pagkalat ng trahedya.
Ipinahayag ni Tran Dai Quang na pagkaraang maganap ang marahas na insidente, nagtalaga ang kanyang bansa ng mga pulis para mapigilan ang paglala ng gulo, at inaresto rin nila ang ilang sangkot sa gulo.
Ipinangako din niya na buong sikap na igagarantiya ng kanyang bansa ang kaligtasan at ari-arian ng mga dayuhang organisasyon, bahay-kalakal at mamamayan sa Biyetnam.