Isang mensahe ang ipinadala kahapon ni Meng Jianzhu, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC at Guo Shengkun, Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina kay Bounngang Vorachith, Miyembro ng Pulitburo ng Komisyong Sentral ng Lao People's Revolutionary Party at Pangalawang Pangulo ng Laos, bilang pakikiramay kina nasawing dating Ministrong Pandepensa Douangchai Phichith at Ministro ng Seguridad na Pampubliko Thongbanh Sengarkhoum ng bansa na nasawi sa pagbagsak ng eroplano kamakailan.
Sinabi ng mensahe na ang pagkasawi ng naturang dalawang lider ay hindi lamang nagsisilbing malaking kawalan sa partido at pamahalaan ng Laos, kundi rin ng pagtutulungang panseguridad sa pagitan ng Tsina at Laos sa Mekong River. Magsisikap anito ang Tsina, kasama ng Laos para patuloy na pasulungin ang relasyong Sino-Laotian at pagtutulungang panseguridad sa Mekong River sa mas mataas na antas.