Ayon sa ulat kahapon ng "New York Times," sa mula't mula pa'y, nagmo-monitor na ang Pamahalaang Amerikano sa mga dayuhang bahay-kalakal, at ito ay regular na information-gathering nito para mapalakas ang kabuhayang Amerikano. Inamin ng mga opisiyal na Amerikano na maaaring madalas na mag-monitor ang National Security Agency (NSA) sa mga kinatawang Europeo at Asyano sa talastasang pangkalakalan sa pagitan nila at Estados Unidos.
Ayon pa rin sa ulat, upang makakuha ng impormasyon mula sa hukbong Tsino, hinak ng NSA ang network ng China Telecom. Bukod dito, nagmo-monitor din ang NSA sa Hua Wei, Chinese multinational networking and telecommunications equipment and services company, Pacnet, global telecommunications service provider sa Hong Kong at iba pang mga bahay-kalakal ng langis sa Brazil, Saudi Arabia, Iran, Mexico at Aprika.
salin:wle