Ipinahayag kaninang hapon dito sa Beijing ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na muling nagharap ng representasyon ang Tsina sa Amerika hinggil sa pagsasagawa ng cyber espionage ng huli sa Tsina. Ani Hong, hinimok ng Tsina ang Amerika na ipaliwanag ang pangyayaring ito, at agaran itong itigil.
Ayon sa ulat ng dayuhang media, isinagawa ng National Security Agency ng Amerika ang cyber espionage sa mga server ng Huawei, pinakamalaking provider ng ICT ng Tsina. Ang target ay kinabibilangan din ng mga dating lider, Ministring Panlabas at Ministri ng Komersyo ng Tsina.
salin:wle