Prayut Chan-ocha
Ayon sa Xinhua News Agency, ipinalabas kagabi ng "Pambansang Komisyon sa Pangangalaga sa Kapayapaan at Kaayusan ng Thailand" ang isang pahayag na nagsasabing kinakailangan ng ilang batas at regulasyon ang kautusang ipapalabas ng Punong Ministro para magkabisa, kaya pansamantalang isasabalikat ng lider ng naturang komisyon o hihiranging indibiduwal ang responsibilidad at obligasyon bilang PM.
Si Prayut Chan-ocha ay siyang namamahalang tauhan ng naturang komisyon, at sa kadahilanang administratibo, pansamantalang manunungkulan siya bilang PM ng bansa.
Salin: Li Feng