Ayon sa ulat ng local media kahapon, nakatakdang pagtibayin ng Hari ng Thailand ang panunungkulan ni Prayut Chan-ocha bilang lider ng "Pambansang Komisyon sa Pangangalaga sa Kapayapaan at Kaayusan ng Thailand."
Pagkatapos mapagtibay sa kanyang puwesto, isang talumpati ang ibibigay ni Prayut Chan-ocha na isasahimpapawid sa telebisyon. Isisiwalat sa nasabing talumpati ang mga susunod na plano na gaya ng pagpapalabas ng konstitusyong transisyonal at pagtatatag ng National Legislative Council, at iba pa.
Ayon sa bagong utos na ipinalabas ng nasabing komisyon kahapon, sinumang lalabag s autos ng Hari magiging banta sa kaligtasan o di-susunod sa military government ay lilitisin ng military tribunal.
Salin: Andrea