Iniharap kahapon sa Anti-Corruption Commission ni Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng Caretaker Government ng Thailand, ang mga may kinalamang katibayan para ipagtanggol ang sarili na hindi siya nagpabaya sa tungkulin sa proyekto ng pagbili ng pamahalaan ng bigas. Nakatakdang talakayin ngayong araw ng Anti-Corruption Commission ang nasabing mga katibayan.
Sinabi ni Suranand Vejjajiva, Pangkalahatang Kalihim ng Palasyon ng Punong Ministro ng Thailand, na iniharap ni Yingluck Shinawatra ang 3 boxes at 2,000 pages na katibayan. Aniya, may marami pa siyang hawak na katibayan kung kakailanganin. Aniya pa, may 11 pang saksi para patunayan na siya ay inosente.