Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga kinatawang dayuhang dumalo sa ika-2 Symposium hinggil sa Seguridad at Pagtutulungan sa Asya-Pasipiko sa Beijing, kahapon, sinabi ni Chang Wanquan, Ministrong Pandepensa ng Tsina na kasalukuyang nananatiling matatag ang situwasyong panseguridad sa rehiyong Asya-Pasipiko, at ang paghangad ng kapayapaan, kooperasyon at pag-unlad ay nagsisilbing pangunahing tungkulin ng rehiyong ito.
Sinabi ni Chang na katanggap-tanggap ang mungkahi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa katatapos na Summit ng Conference on Interaction at Confidence-Building Measures in Asia, at ito ay makakatulong hindi lamang sa pagtatatag ng bagong balangkas ng pagtutulungang panseguridad sa Asya-Pasipiko, kundi pagpapasulong rin sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito.