Ipinahayag kahapon sa Moscow ni Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya na igagalang ng Rusya ang desisyon ng mga mamamayan ng Ukraine sa halalan, at nakahandang makipagdiyalogo ang Rusya kay Petro Poroshenko, Kandidato sa Pagkapangulo ng Ukraine na nagtamo ng pinakamalaking boto sa halalan.
Sinabi ni Lavrov sa mga media na dapat igalang ng bagong pamahalaan ang mga mamamayan ng Ukraine at isagawa ang paggawa ng "road map" ng The Organization for Security and Co-operation in Europe. Pero, tinukoy din niyang mayroon mga problema sa halalan, kasi hindi lahat ng mga kandidado ay nakalahok.
salin:wle