Si Petro Poroshenko, bagong Pangulo ng Ukraine
Ayon sa Sentral na Lupong Elektoral ng Ukraine kahapon, si Petro Poroshenko, isang billionaire ng Ukraine ay naihalal bilang bagong Pangulo ng bansa. Tatagal nang limang taon ang kanyang termino.
Ipinahayag ni Poroshenko na ang pagpapasulong ng integrasyon ng Europa, pakikibaka laban sa korupsyon at pagbawi ng Crimea ang priyoridad sa tungkulin ng kanyang pamahalaan sa hinaharap.
Pagkaraang isapubliko ng Ukraine ang resulta ng halalan, ipinahayag ng Amerika, Rusya at mga bansang Europeo ang kahandaan sa pagpapasulong ng pagtutulungan at pagpapalitan sa bansang Ukraine.