Sa isang pahayag na ipinalabas kahapon sa White House, ipinahayag ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos na inaasahan ng kanyang bansa ang pakikipagkooperasyon sa bagong Pangulo at parliamento ng Ukraine para katigan ang bansang ito sa pagsasagawa ng reporma sa pulitika at kabuhayan.
Ani Obama, ang halalang pampanguluhan na idinaos nang araw ring iyon sa Ukraine ay "isang mahalagang hakbang" ng bansang ito para mapangalagaan ang pagkakaisa ng bansa, at matugunan ang pagkabahala at kahilingan ng mga mamamayan. Patuloy na magsisikap ang Amerika sa pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa Ukraine at iba pang katuwang na bansa para malutas ang krisis, sa mapayapang paraan, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng