Ipinamahagi kahapon ng Rusya sa mga miyembro ng UN Security Council (UNSC) ang balangkas na resolusyon hinggil sa situwasyong humanitariyan ng Ukraine. Nanawagan ang balangkas na resolusyon sa iba't ibang may kinalamang panig sa dakong silangan ng Ukraine na magtigil-putukan para maigarantiya ang paglikas ng mga sibilyan at pagsasagawa ng tulong-humanitaryan.
Ipinamahagi ang nasabing balangkas na resolusyon bago ang pangkagipitang pulong ng UNSC hinggil sa situwasyon ng Ukraine. Sa kahilingan ng Rusya, bansang tagapangulo ng UNSC para sa kasalukuyang buwan, nagdaos ng nabanggit na pulong ang UNSC.
Salin: Jade