Idineklara kahapon ng dalawang estadong Donetsk at Lugansk Oblast sa dakong silangan ng Ukraine na ayon sa resulta ng reperendum kamakalawa, hihiwalay sila mula sa Ukraine at magiging soberanong bansa.
Ipinahayag kahapon ng Rusya na iginagalang nito ang mithiin ng mga mamamayang lokal.
Ngunit, ipinahayag sa Kiev kahapon ni Herman Van Rompuy, Tagapangulo ng European Council, na hindi nito kinikilala ang resulta ng reperendum na idinaos kamakalawa sa dakong silangan ng Rusya. Bukod dito, nagpahayag din ng pagtutol ang mga bansang gaya ng Amerika, Pransya, Britaniya, at Hapon, sa nasabing reperendum.
Salin: Li Feng