Isinapubliko kahapon ng National Peace and Order Maintaining Council (NPOMC) ng Thailand ang plano ng pagpapasulong ng pulitikal na rekonsilyasyon.
Ayon sa naturang plano, ang aksyon ng rekonsilyasyon ay kinabibilangan ng tatlong yugto. Sinimulan na ang unang yugto ng paghahanda para kalapin ang mga impormasyon sa buong bansa. Ang ikalawang yugto ay pag-analisa sa mga inipong impormasyon at pagtakda ng mga panukala ng aksyon. Ang huling yugto ay sisimulan sa susunod na Hulyo para tiyakin ang pinal na plano at simulang isagawa ito.
Sinabi ni Banpot Phunpien, Tagapagsalita ng Internal Security Operations Command (ISOC) ng Thailand, na umaasa siyang magkakaisa ang iba't ibang paksyon ng bansang ito para lutasin ang kasalukuyang krisis at pasulungin ang pag-unlad ng bansa.
Salin: Ernest